-
Mga Study Note sa Roma—Kabanata 13Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
may matinding dahilan para: O “kailangan na.” Ang ginamit dito na salitang Griego, a·nagʹke, ay literal na nangangahulugang “pangangailangan.” Ipinapakita ng talatang ito na dapat sumunod ang mga Kristiyano sa batas ni Cesar at magbayad ng buwis pangunahin nang dahil sa konsensiya nila at hindi sa takot sa “espada” ni Cesar, o sa kapangyarihan niyang magparusa. (Tingnan ang mga study note sa Ro 13:4.) Kaya nagpapasakop sa gobyerno ng tao ang isang Kristiyano hangga’t hindi salungat sa mga batas ng Diyos ang utos nito.
-