-
Roma 13:6Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
6 Iyan din ang dahilan kung bakit kayo nagbabayad ng buwis; dahil patuloy silang nagsisilbi sa mga tao bilang mga lingkod ng Diyos.
-
-
Mga Study Note sa Roma—Kabanata 13Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
patuloy silang nagsisilbi sa mga tao: O “ibinubuhos nila ang kanilang sarili.” Ginagampanan ng sekular na mga awtoridad ang mga obligasyon nila na mababasa sa naunang mga talata, at bilang “mga lingkod ng Diyos,” nagsisilbi sila sa mga tao.
lingkod ng Diyos: Ang salitang Griego na lei·tour·gosʹ (lingkod ng publiko, o manggagawa) sa talatang ito at ang kaugnay na mga salitang lei·tour·geʹo (maglingkod sa publiko) at lei·tour·giʹa (paglilingkod sa publiko) ay ginagamit noon ng mga Griego at Romano para tumukoy sa trabaho o serbisyo sa gobyerno at ginagawa para sa kapakanan ng mga tao. (Ang nabanggit na mga salitang Griego ay mula sa la·osʹ, “mga tao,” at erʹgon, “trabaho.”) Dito, ang sekular na mga awtoridad ay inilarawan bilang “mga lingkod ng Diyos” na “nagsisilbi sa mga tao” (anyong pangmaramihan ng lei·tour·gosʹ). Pero sa Kristiyanong Griegong Kasulatan, ang mga terminong Griegong ito ay karaniwan nang ginagamit para tumukoy sa paglilingkod sa templo at sa ministeryong Kristiyano. Para sa ganitong pagkakagamit, tingnan ang study note sa Luc 1:23; Gaw 13:2; Ro 15:16.
-