-
Mga Study Note sa Roma—Kabanata 13Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
tularan ang Panginoong: Ang salitang Griego para sa “tularan” ay literal na nangangahulugang “isuot (ibihis).” (Luc 15:22; Gaw 12:21) Dito, ginamit ito sa makasagisag na paraan para tumukoy sa pagtulad sa mga katangian ng isang indibidwal. Ito rin ang salitang Griego na ginamit sa Col 3:10, 12 (tlb.) sa ekspresyong “isuot ninyo” at “damtan ninyo ang inyong sarili.” Kaya sa Ro 13:14, pinapayuhan ni Pablo ang mga Kristiyano na tularang mabuti si Jesus, na para bang isinusuot ang kaniyang halimbawa at saloobin.
-