Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Roma 14:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 4 Sino ka para hatulan ang lingkod ng iba?+ Ang panginoon lang niya ang makapagsasabi kung makatatayo siya o mabubuwal.*+ At makatatayo siya dahil kaya siyang tulungan ni Jehova.*

  • Roma 14:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 4 Sino ka upang humatol sa tagapaglingkod sa bahay ng iba?+ Sa kaniyang sariling panginoon ay tumatayo siya o nabubuwal.+ Tunay nga, siya ay patatayuin, sapagkat mapatatayo siya ni Jehova.+

  • Roma
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 14:4

      Ang Bantayan,

      4/15/2010, p. 15

  • Mga Study Note sa Roma—Kabanata 14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 14:4

      Sino ka para hatulan ang lingkod ng iba?: Sa ulat na ito (Ro 14:1-12), nilinaw ni Pablo na hindi dapat hatulan ng mga Kristiyano ang isa’t isa sa mga bagay na nakadepende sa konsensiya. Iba-iba ang kultura at pinagmulan ng mga Kristiyano sa kongregasyon sa Roma, at may ilan na humahatol sa mga kapananampalataya nila dahil sa mga desisyon at pagkilos na hindi naman labag sa mga prinsipyo ng Bibliya. Sinasabi sa naunang talata (Ro 14:3) na parehong “tinanggap . . . ng Diyos” ang “kumakain” at “hindi kumakain.” Ang tanong na ito ni Pablo dito sa talata 4 ay nagpapaalala sa mga kapananampalataya niya na may pagsang-ayon ni Jehova ang taong hinahatulan nila. Ginamit ni Pablo ang ilustrasyon tungkol sa isang lingkod at sa kaniyang panginoon. Ang panginoon lang ang may karapatang magtakda ng mga patakaran at restriksiyon sa lingkod niya, mag-utos dito, at magdesisyon kung mananatili ito o paaalisin. Kung ibang tao ang gagawa nito, maituturing siyang pangahas, at tama lang na sabihin sa kaniya ng panginoon: ‘Sino ka sa akala mo?’ Kaya ang bawat Kristiyano ay mananagot sa Diyos, na kaniyang Panginoon, sa mga bagay na may kinalaman sa konsensiya. Walang Kristiyano ang may karapatang humatol sa kapatid niya dahil ang Diyos lang ang nagmamay-ari sa kapatid niya.

      makatatayo siya: Ibig sabihin, magtatagumpay siya at hindi mawawala sa kaniya ang pagsang-ayon ng kaniyang panginoon. Ganito rin ang pagkakagamit sa terminong “makatayo” sa Luc 21:36.

      Jehova: “Panginoon” (sa Griego, ho Kyʹri·os) ang mababasa sa natitirang mga manuskritong Griego. Pero gaya ng ipinapaliwanag sa Ap. C, may makatuwirang mga dahilan para isipin na pangalan ng Diyos ang ginamit sa talatang ito at pinalitan lang ng titulong Panginoon. Makikita sa konteksto na ang tinutukoy dito ay ang Diyos na Jehova. Sa Ro 14:1-12, ipinaliwanag ni Pablo kung gaano kahalagang huwag hatulan ang isa’t isa sa mga bagay na nakadepende sa konsensiya. Sa Ro 14:10, sinabi niya na ang bawat isa ay “tatayo sa harap ng luklukan ng paghatol ng Diyos.” Para suportahan ang argumento niya, sinipi ni Pablo sa Ro 14:11 ang Isa 45:23, kung saan makikita sa konteksto na ang Diyos na Jehova ang nagsasalita (Isa 45:18-22), at ang Isa 49:18, kung saan lumitaw ang pangalan ng Diyos. (Tingnan ang study note sa Ro 14:11.) Sa Ro 14:12, nagtapos si Pablo sa pagsasabi: “Kaya ang bawat isa sa atin ay mananagot sa Diyos para sa kaniyang sarili.” Kaya batay sa konteksto at sa siniping bahagi ng Hebreong Kasulatan, ginamit sa mismong teksto ang pangalang Jehova.​—Tingnan ang introduksiyon sa Ap. C3; Ro 14:4.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share