-
Roma 14:6Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
6 Ang taong nagpapahalaga sa isang araw ay gumagawa nito para kay Jehova.* At ang kumakain ng lahat ng uri ng pagkain ay gumagawa nito para kay Jehova,* dahil nagpapasalamat siya sa Diyos;+ at ang hindi kumakain ng lahat ng uri ng pagkain ay gumagawa nito para kay Jehova,* pero nagpapasalamat din siya sa Diyos.+
-
-
Mga Study Note sa Roma—Kabanata 14Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Jehova: Sa natitirang mga manuskritong Griego, tatlong beses na lumitaw ang terminong “Panginoon” (Kyʹri·os, na walang tiyak na Griegong pantukoy) sa talatang ito. Pero gaya ng ipinapaliwanag sa Ap. C, may makatuwirang mga dahilan para isiping pangalan ng Diyos ang ginamit sa talatang ito at pinalitan lang ng titulong Panginoon. Kaya “Jehova” ang ginamit sa mismong teksto.
-