Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Roma 15:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 9 at para luwalhatiin ng ibang mga bansa ang Diyos dahil sa kaniyang awa.+ Gaya ng nasusulat: “Kaya hayagan kitang kikilalanin sa gitna ng mga bansa, at aawit ako ng mga papuri para sa iyong pangalan.”+

  • Roma 15:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 9 at upang luwalhatiin ng mga bansa+ ang Diyos dahil sa kaniyang awa.+ Gaya nga ng nasusulat: “Kaya naman hayagan kitang kikilalanin sa gitna ng mga bansa at sa iyong pangalan ay aawit ako.”+

  • Roma
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 15:9

      Ang Bantayan,

      7/1/1997, p. 18-19

  • Mga Study Note sa Roma—Kabanata 15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 15:9

      Gaya ng nasusulat: Sa kontekstong ito (Ro 15:9-12), ang apat na pagsipi ni Pablo mula sa Hebreong Kasulatan ay nagpapakitang matagal nang sinabi ni Jehova na pupurihin Siya ng mga tao ng lahat ng bansa. Kaya bukod sa mga Judio, makikinabang din ang mga Gentil sa ministeryo ni Kristo. Ang pangangatuwirang ito ay sumusuporta sa payo ni Pablo sa mga Kristiyanong Judio at Gentil sa kongregasyon sa Roma na ‘malugod na tanggapin ang isa’t isa.’—Ro 15:7; tingnan ang study note sa Ro 1:17.

      sa gitna ng mga bansa: Dito, lumilitaw na sinipi ni Pablo ang isang bahagi ng Aw 18:49, kung saan mababasa sa tekstong Hebreo: “Luluwalhatiin kita sa gitna ng mga bansa, O Jehova.” (Kahawig iyan ng mababasa sa 2Sa 22:50.) Maraming manuskrito ang sumusuporta sa saling ito sa Ro 15:9, pero may ilang manuskrito na ang mababasa ay “sa gitna ng mga bansa, O Panginoon.” Gaya ng makikita sa natitirang mga kopya ng Septuagint, lumilitaw na sinipi ng mas bagong mga tagakopya sa Ro 15:9 ang kabuoan ng Aw 18:49 (17:50, LXX) at 2Sa 22:50.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share