-
Roma 15:24Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
24 Kaya kapag papunta na ako sa Espanya, sana ay makita ko kayo at makasama sandali at masamahan din ninyo ako sa simula ng paglalakbay papunta roon.
-
-
Mga Study Note sa Roma—Kabanata 15Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Espanya: Dalawang beses na binanggit ni Pablo ang Espanya sa liham niya sa mga taga-Roma, dito at sa Ro 15:28. Hindi tiyak kung talagang nakarating si Pablo sa Espanya. Pero sinabi ni Clemente ng Roma (mga 95 C.E.) na nakarating si Pablo “sa pinakadulo ng kanluran,” at posibleng kasama roon ang Espanya. Kung nakarating si Pablo sa Espanya, posibleng naroon siya sa pagitan ng mga 61 C.E. (pagkalaya niya mula sa unang pagkakabilanggo sa Roma) at mga 65 C.E. (bago siya muling mabilanggo doon). Nang panahong iyon, nasa pamamahala ng Roma ang Espanya. Mas ginagamit ng mga tao roon ang wikang Latin kaysa sa Griego.
-