-
Mga Study Note sa 1 Corinto—Kabanata 1Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
kongregasyon ng Diyos sa Corinto: Itinatag ni Pablo ang kongregasyon sa Corinto noong mga 50 C.E. (Gaw 18:1-11) Habang nasa Efeso si Pablo noong mga 55 C.E., isinulat niya ang unang liham niya sa mga taga-Corinto. (Ihambing ang 1Co 5:9.) Kasusulat lang noon ng mga kapatid sa Corinto kay Pablo, at nagtatanong sila tungkol sa pag-aasawa at sa pagkain ng mga inihain sa idolo. (1Co 7:1; 8:1) Pero alam ni Pablo na may mas malala pa silang problema. Kinukunsinti ng kongregasyon ang isang malubhang kaso ng imoralidad. (1Co 5:1-8) Mayroon ding pagkakabaha-bahagi sa kongregasyon. (1Co 1:11-13; 11:18; 15:12-14, 33, 34) At posible ring hindi nila alam kung paano dapat idaos ang Hapunan ng Panginoon. (1Co 11:20-29) Sa patnubay ng Diyos, nagbigay si Pablo ng tagubilin tungkol sa mga bagay na ito, at idiniin niya na napakahalagang magpakita ng Kristiyanong pag-ibig.—1Co 13:1-13.
-