-
1 Corinto 1:10Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
10 Ngayon ay pinapayuhan+ ko kayo, mga kapatid, sa pamamagitan ng pangalan+ ng ating Panginoong Jesu-Kristo na kayong lahat ay magsalita nang magkakasuwato,+ at na huwag magkaroon ng mga pagkakabaha-bahagi+ sa gitna ninyo, kundi lubos kayong magkaisa sa iisang pag-iisip at sa iisang takbo ng kaisipan.+
-
-
Mga Study Note sa 1 Corinto—Kabanata 1Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
magkabaha-bahagi: O “magkawatak-watak.” Ipinanalangin ni Jesus na magkaisa ang mga tagasunod niya (Ju 17:20-23), at tulad niya, gusto rin ni Pablo na magkaisa ang kongregasyong Kristiyano. Nang isulat ni Pablo ang unang liham niya sa mga taga-Corinto (mga 55 C.E.), may pagkakabaha-bahagi na sa kongregasyon. Si Apolos ang itinuturing na lider ng ilan, ang iba naman, si Pablo o si Pedro, pero may mga nagsasabing kay Kristo sila. (1Co 1:11, 12) Nagbabala si Pablo tungkol sa pagbibigay ng sobrang papuri sa mga tao, na mga lingkod lang ng Diyos at ni Kristo. (1Co 3:4-9, 21-23; 4:6, 7) Tatlong beses niyang ginamit sa unang liham niya sa mga taga-Corinto ang salitang Griego na skhiʹsma, na isinalin ditong “magkabaha-bahagi.”—1Co 1:10; 11:18; 12:25.
-