Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 1 Corinto 2:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 kundi nagsasalita tayo tungkol sa karunungan ng Diyos na nasa isang sagradong lihim,+ ang nakatagong karunungan, na patiunang itinakda ng Diyos para sa ating kaluwalhatian bago pa umiral ang mga sistema sa mundo.

  • 1 Corinto 2:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 Kundi nagsasalita kami ng karunungan ng Diyos sa isang sagradong lihim,+ ang nakatagong karunungan, na patiunang itinalaga ng Diyos bago pa ang mga sistema+ ng mga bagay ukol sa ating kaluwalhatian.

  • 1 Corinto
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 2:7

      Malapít kay Jehova, p. 226-237

      Kaunawaan, p. 1042, 1457-1458

      Ang Bantayan,

      6/15/2003, p. 24-25

      6/1/1997, p. 13

      8/15/1994, p. 13

  • Mga Study Note sa 1 Corinto—Kabanata 2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 2:7

      karunungan ng Diyos na nasa isang sagradong lihim: Tumutukoy sa matalinong kaayusan ng Diyos na tatapos sa rebelyong nagsimula sa Eden at magdudulot ng kapayapaan at pagkakaisa sa buong uniberso. (Tingnan sa Glosari, “Sagradong lihim.”) Unang isiniwalat ang “sagradong lihim” (sa Griego, my·steʹri·on; tingnan ang study note sa Mat 13:11) sa hula ni Jehova sa Gen 3:15. Ang “sagradong lihim” ni Jehova ay nakasentro kay Jesu-Kristo. (Efe 1:9, 10; Col 2:2) Kasama rito ang pagkakakilanlan ni Jesus bilang ang ipinangakong supling, o Mesiyas, at ang papel niya sa Kaharian ng Diyos (Mat 13:11); ang pagpili ng mga pinahiran—mula sa mga Judio at Gentil—na makakasama ni Kristo sa Kaharian bilang mga tagapagmana (Luc 22:29, 30; Ro 11:25; Efe 3:3-6; Col 1:26, 27); at ang espesyal na katangian ng kongregasyong ito na binubuo ng 144,000 “binili mula sa sangkatauhan bilang mga unang bunga sa Diyos at sa Kordero” (Apo 14:1, 4). Ang mga bagay na ito ay maiintindihan lang ng mga nag-aaral mabuti ng Kasulatan.

      ang nakatagong karunungan: Tinawag ni Pablo ang sagradong lihim na “nakatagong karunungan,” dahil nakatago ito mula sa “mga tagapamahala ng sistemang ito.” (1Co 2:8) Ang lihim na ito ay isiniwalat ng Diyos sa kaniyang mga Kristiyanong lingkod sa pamamagitan ng espiritu niya para maihayag nila ito sa mga tao.

      sistema: Ang salitang Griego na ginamit dito, ai·onʹ, ay pangunahin nang nangangahulugang “panahon.” Puwede itong tumukoy sa kalakaran o sa mga pagkakakilanlan ng isang espesipikong yugto ng panahon. Sa kontekstong ito, tumutukoy ito sa mga sistemang naitatag mula nang magrebelde ang tao sa Eden.—Tingnan sa Glosari, “Sistema,” at study note sa 1Co 10:11.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share