-
1 Corinto 2:14Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
14 Pero hindi tinatanggap ng taong pisikal ang mga bagay na mula sa espiritu ng Diyos, dahil kamangmangan sa kaniya ang mga ito; at hindi niya mauunawaan ang mga ito, dahil kailangang suriin ang mga ito sa tulong ng espiritu.
-
-
Mga Study Note sa 1 Corinto—Kabanata 2Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
taong pisikal: Sa kontekstong ito, ang “taong pisikal” ay hindi tumutukoy sa kayarian ng tao na may laman at dugo. Ginamit ang ekspresyong ito bilang kabaligtaran ng “taong espirituwal” sa talata 15, kaya tumutukoy ito sa isang taong walang interes o pagpapahalaga sa espirituwal na mga bagay. Ang salitang Griego na ginamit dito para sa “pisikal,” psy·khi·kosʹ, ay mula sa salitang psy·kheʹ, na isinasalin kung minsan na “kaluluwa.” Sa Bibliya, ang psy·kheʹ ay karaniwan nang tumutukoy sa anumang pisikal, nahahawakan, nakikita, at mortal. (Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”) Ibig sabihin, ang isang taong pisikal ay abala sa pagsapat sa mga pagnanasa niya sa pisikal at materyal na mga bagay, kaya nababale-wala niya ang espirituwal na mga bagay.—Tingnan ang study note sa 1Co 2:15.
-