Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 1 Corinto 4:15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 15 Dahil mayroon man kayong 10,000 tagapag-alaga* na nagtuturo sa inyo kung paano sundin si Kristo, tiyak na wala kayong maraming ama; pero ako ay naging inyong ama nang ihayag ko sa inyo ang mabuting balita tungkol kay Kristo Jesus.+

  • 1 Corinto 4:15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 15 Sapagkat mayroon man kayong sampung libong tagapagturo+ kay Kristo, tiyak na wala kayong maraming ama;+ sapagkat kay Kristo Jesus ay ako ang naging inyong ama sa pamamagitan ng mabuting balita.+

  • 1 Corinto
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 4:15

      Kaunawaan, Tomo 1, p. 105, 504-505

      Kaunawaan, Tomo 2, p. 1235

      Ang Bantayan,

      8/1/1993, p. 15

  • Mga Study Note sa 1 Corinto—Kabanata 4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 4:15

      tagapag-alaga: O “tagapagturo.” Noong panahon ng Bibliya, maraming mayamang Griego at Romanong pamilya ang may tagapag-alaga, o tagapagturo. Ang ganitong tagapag-alaga ay isang mapagkakatiwalaang alipin o inuupahang trabahador. Pananagutan niyang samahan ang bata papunta ng paaralan at pauwi at protektahan ito mula sa pisikal at moral na panganib. Posibleng pananagutan din ng tagapag-alaga na turuan ang bata ng kagandahang-asal at disiplinahin pa nga. (Gal 3:24, 25) Ginamit dito ni Pablo ang terminong ito sa makasagisag na paraan para ilarawan ang mga lalaking inatasang mangalaga sa espirituwalidad ng mga Kristiyano sa Corinto.—1Co 3:6, 10.

      ako ay naging inyong ama: Dito, ikinukumpara ni Pablo ang sarili niya sa isang ama dahil ang ilang Kristiyano sa Corinto ay mga anak niya sa espirituwal. Sa pananatili niya roon nang isa at kalahating taon, ipinangaral niya ang mabuting balita sa marami. (Gaw 18:7-11) Malaki ang papel niya sa pagtatatag ng kongregasyon sa Corinto at sa pangangalaga sa kanila sa espirituwal. (1Co 3:5, 6, 10; ihambing ang 3Ju 4.) Pero hindi sinasabi ni Pablo na dapat siyang tawaging “ama,” dahil pagsuway iyon sa malinaw na utos ni Kristo.—Mat 23:8, 9; tingnan ang study note sa Mat 23:9.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share