Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 1 Corinto 4:19
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 19 Pero malapit na akong pumunta, kung loloobin ni Jehova.* Hindi ako interesado sa sasabihin ng mayayabang na iyon; ang gusto kong malaman ay kung ano talaga ang kapangyarihan nila.*

  • 1 Corinto 4:19
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 19 Ngunit paririyan ako sa inyo sa di-kalaunan, kung loloobin ni Jehova,+ at malalaman ko, hindi ang pananalita niyaong mga nagmamalaki, kundi ang kanilang kapangyarihan.

  • Mga Study Note sa 1 Corinto—Kabanata 4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 4:19

      kung loloobin ni Jehova: Idiniriin ng ekspresyong ito na napakahalagang isaalang-alang ang kalooban ng Diyos kapag gumagawa o nagpaplano ng isang bagay. Laging nasa isip ni apostol Pablo ang prinsipyong iyan. (Gaw 18:21; 1Co 16:7; Heb 6:3) Pinasigla rin ng alagad na si Santiago ang mga mambabasa niya na sabihin: “Kung kalooban ni Jehova, mabubuhay kami at gagawin namin ito o iyon.” (San 4:15) Hindi sinasabi ni Santiago na kailangang lagi itong sabihin nang malakas ng mga Kristiyano; hindi rin ito dapat iugnay sa mga pamahiin o gawin lang na bukambibig. Sa halip, dapat nilang sikaping alamin ang kalooban ng Diyos at kumilos kaayon nito.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share