7 Ang totoo, gusto ko sana na katulad ko na lang ang lahat ng tao. Pero ang bawat isa ay may sariling kaloob+ mula sa Diyos, sa isa ay ganito, sa iba naman ay ganoon.
7 Ngunit nais ko sanang ang lahat ng tao ay gaya ko mismo.+ Gayunpaman, ang bawat isa ay may kaniyang sariling kaloob+ mula sa Diyos, ang isa ay sa ganitong paraan, ang isa pa ay sa gayong paraan.
katulad ko: Walang asawa si apostol Pablo noong naglalakbay siya bilang misyonero. Hindi direktang sinasabi ng Bibliya kung nag-asawa siya. Pero ang ilan sa mga sinabi ni Pablo ay nagpapahiwatig na posibleng biyudo siya.—1Co 7:8; 9:5.