Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 1 Corinto 7:22
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 22 Dahil ang sinumang alipin na tinawag para maging alagad ng Panginoon ay pinalaya at pag-aari na ng Panginoon;+ gayundin, ang sinumang malaya nang tawagin ay alipin na ni Kristo.

  • 1 Corinto 7:22
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 22 Sapagkat ang sinumang nasa Panginoon na tinawag habang isang alipin ay taong pinalaya ng Panginoon;+ gayundin siya na tinawag habang isang taong laya+ ay alipin+ ni Kristo.

  • 1 Corinto
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 7:22

      Kaunawaan, Tomo 2, p. 1276

      Bagong Sanlibutang Salin (nwt), p. 1958

  • Mga Study Note sa 1 Corinto—Kabanata 7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 7:22

      pinalaya at pag-aari na ng Panginoon . . . malaya: Ang isang taong pinalaya (sa Griego, a·pe·leuʹthe·ros) ay tumutukoy sa isang alipin noon na malaya na. Sa Kasulatan, dito lang ginamit ang terminong Griegong ito. Pero kilalá sa lunsod ng Corinto ang mga “pinalaya” dahil marami sa kanila ang nanirahan dito nang muli itong itayo ng Roma. Naging Kristiyano ang ilan sa kanila. May mga Kristiyano naman na hindi naranasang maging alipin. “Malaya” (sa Griego, e·leuʹthe·ros) ang tawag sa kanila ni Pablo dahil ipinanganak silang malaya. Pero ang mga Kristiyanong “malaya” at “pinalaya” ay parehong “binili . . . sa malaking halaga,” ang dugo ni Jesus. Kaya pareho silang alipin ng Diyos at ni Jesu-Kristo, at dapat silang sumunod sa mga utos nila. Sa kongregasyong Kristiyano, walang pagkakaiba ang isang alipin, taong malaya, at pinalaya.—1Co 7:23; Gal 3:28; Heb 2:14, 15; 1Pe 1:18, 19; 2:16; tingnan sa Glosari, “Malaya; Pinalaya.”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share