-
1 Corinto 7:31Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
31 at ang mga gumagamit ng sanlibutan ay maging gaya ng mga hindi gumagamit nito nang lubusan; dahil ang eksena sa sanlibutang ito ay nagbabago.
-
-
Mga Study Note sa 1 Corinto—Kabanata 7Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
gumagamit ng sanlibutan: Sa maraming teksto, ang salitang Griego na isinaling “sanlibutan” (koʹsmos) ay pangunahin nang tumutukoy sa sangkatauhan. (Tingnan ang study note sa Ju 1:9, 10; 3:16.) Pero sa kontekstong ito, tumutukoy ang “sanlibutan” sa sistema ng mundo na kinabubuhayan ng mga tao. Kasama rito ang mga bagay na may kaugnayan sa sistemang pang-ekonomiya ng mundo, gaya ng tirahan, pagkain, at pananamit. (Tingnan ang study note sa Luc 9:25.) ‘Nagagamit’ ng mga Kristiyano ang sanlibutan sa paglalaan ng materyal na pangangailangan nila at ng kanilang pamilya. Pero iniiwasan nilang gamitin ito nang lubusan, ibig sabihin, hindi ito ang pinakamahalaga sa buhay nila.
ang eksena sa sanlibutang ito ay nagbabago: Ang salitang Griego na isinalin ditong “eksena” ay tumutukoy sa “kalakaran” o “kasalukuyang sistema.” Posibleng nasa isip dito ni Pablo ang mga teatro noong panahon niya; ikinumpara niya ang mundong ito sa isang entablado, kung saan nagbabago ang eksena at mabilis na napapalitan ang mga gumaganap. Posible ring ipinapahiwatig ng ekspresyong ito na ang kasalukuyang kalakaran o sistema sa sanlibutan ay “lumilipas.”—1Ju 2:17.
-