Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 1 Corinto 7:32
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 32 Talagang gusto kong maging malaya kayo sa mga álalahanín. Laging iniisip ng lalaking walang asawa ang mga bagay na may kaugnayan sa Panginoon, kung paano siya magiging kalugod-lugod sa Panginoon.

  • 1 Corinto 7:32
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 32 Ang totoo, nais kong maging malaya kayo sa kabalisahan.+ Ang lalaking walang asawa ay nababalisa para sa mga bagay ng Panginoon, kung paano niya makakamit ang pagsang-ayon ng Panginoon.

  • 1 Corinto
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 7:32

      Masayang Buhay Magpakailanman, aralin 42

      Kaunawaan, Tomo 1, p. 1300

      Ang Bantayan,

      10/15/1996, p. 12-14

  • Mga Study Note sa 1 Corinto—Kabanata 7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 7:32

      Laging iniisip: Ang pandiwang Griego na ginamit dito ay me·ri·mnaʹo, na may iba’t ibang kahulugan depende sa konteksto. Sa tekstong ito, ginamit ito sa positibong paraan; nagpapahiwatig ito ng pananabik at pagiging nakapokus sa espirituwal na mga bagay para mapasaya ang Panginoon. Sa sumunod na mga talata, tumutukoy ito sa mga asawang lalaki at babae na laging iniisip ang emosyonal, pisikal, at materyal na pangangailangan ng kanilang asawa. (1Co 7:33, 34) Sa 1Co 12:25, ginamit din ang pandiwang ito para ilarawan ang malasakit na nararamdaman ng mga miyembro ng kongregasyon sa isa’t isa. Sa ibang konteksto, puwede itong tumukoy sa pagkabahala ng isang tao na nagiging dahilan para mahati ang isip niya, mawala siya sa pokus, at mawalan ng kagalakan.—Mat 6:25, 27, 28, 31, 34; Luc 12:11, 22, 25, 26; tingnan ang study note sa Mat 6:25; Luc 12:22.

      mga bagay na may kaugnayan sa Panginoon: Lahat ng bagay na sumusuporta sa layunin at kalooban ng Anak ng Diyos at ng kaniyang Ama, si Jehova. Ang mga bagay na ito ay nauugnay sa buhay, pagsamba, at ministeryo ng mga Kristiyano.—Mat 4:10; Ro 14:8; 2Co 2:17; 3:5, 6; 4:1; tingnan ang study note sa 1Co 7:33.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share