Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 1 Corinto 8:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 4 Kung tungkol sa pagkain ng mga pagkaing inihandog sa mga idolo, alam natin na walang halaga ang idolo+ at na iisa lang ang Diyos.+

  • 1 Corinto 8:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 4 Ngayon may kinalaman sa pagkain+ ng mga pagkaing inihandog sa mga idolo, alam natin na ang isang idolo ay walang anuman+ sa sanlibutan, at na walang Diyos maliban sa isa.+

  • Mga Study Note sa 1 Corinto—Kabanata 8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 8:4

      Kung tungkol sa pagkain ng mga pagkaing inihandog sa mga idolo: Ang ekspresyong Griego na isinaling “mga pagkaing inihandog sa mga idolo” sa talatang ito ay lumitaw rin sa Gaw 15:29, kung saan isinalin itong “mga bagay na inihain sa mga idolo.” Malawak ang kahulugan ng terminong Griego na ito; puwede itong tumukoy sa mismong karneng ginamit sa isang relihiyosong seremonya, pero puwede ring sa natirang karne mula sa handog. Dito, ang tinutukoy ni Pablo ay ang natirang karne na ibinebenta sa pamilihan. (1Co 10:25) Sa 1 Corinto 8 at 10 at Roma 14, hindi sinasabi ni Pablo na puwedeng makibahagi ang mga Kristiyano sa mga idolatrosong gawain o sa mga handaang nagpaparangal sa mga idolo. Gusto lang niyang ipakita na walang masama sa pagkain ng karneng ibinebenta sa pamilihan; hindi naman naging marumi ang karneng iyon dahil lang sa galing iyon sa templo ng mga idolo.—Tingnan ang study note sa 1Co 8:1; 10:25.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share