Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 1 Corinto 9:25
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 25 Ang lahat ng kasali sa isang paligsahan* ay nagpipigil sa sarili sa lahat ng bagay. Ginagawa nila ito para tumanggap ng isang koronang nasisira,+ pero ginagawa natin ito para sa gantimpalang hindi nasisira.+

  • 1 Corinto 9:25
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 25 Bukod diyan, ang bawat tao na nakikibahagi sa isang paligsahan ay nagpipigil ng sarili+ sa lahat ng bagay. Ngayon sila, sabihin pa, ay gumagawa nito upang tumanggap sila ng isang koronang nasisira,+ ngunit tayo naman ay ng isa na walang kasiraan.+

  • 1 Corinto
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 9:25

      Lubusang Magpatotoo, p. 149

      Kaunawaan, p. 63, 188, 505

      Kaunawaan, Tomo 2, p. 274-275

      Ang Bantayan,

      5/1/2004, p. 29-30

      10/15/2003, p. 18-21

      10/1/2002, p. 30

      1/1/2001, p. 30-31

      10/1/1999, p. 18, 20-21

      8/1/1992, p. 15-17

      9/15/1990, p. 25

  • Mga Study Note sa 1 Corinto—Kabanata 9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 9:25

      lahat ng kasali sa isang paligsahan: O “lahat ng atleta.” Ang pandiwang Griego na ginamit dito ay kaugnay ng isang pangngalan na kadalasang tumutukoy sa paligsahan ng mga atleta. Sa Heb 12:1, ginamit ang pangngalang ito para sa Kristiyanong “takbuhan” tungo sa buhay. Isinasalin din itong “problema” (Fil 1:30), “paghihirap” (Col 2:1), o “pakikipaglaban” (1Ti 6:12; 2Ti 4:7). Ang mga anyo ng pandiwang Griego na ginamit dito sa 1Co 9:25 ay isinaling “magsikap kayo nang husto” (Luc 13:24), “nagsisikap . . . nang husto” (Col 1:29; 1Ti 4:10), “marubdob” (Col 4:12), at “pakikipaglaban” (1Ti 6:12). —Tingnan ang study note sa Luc 13:24.

      nagpipigil sa sarili: Ang mga atleta ay nagpipigil sa sarili habang naghahanda para sa isang kompetisyon. Marami ang nagdidiyeta, at ang ilan ay hindi muna umiinom ng alak. Isinulat ng istoryador na si Pausanias na umaabot nang 10 buwan ang pagsasanay para sa Olympics, at ipinapalagay na halos ganiyan din kahaba ang pagsasanay para sa iba pang malalaking palaro.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share