-
Mga Study Note sa 1 Corinto—Kabanata 10Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
lumakad sa ilalim ng ulap at lahat ay tumawid sa dagat: Ang tinutukoy dito ni Pablo ay ang malaking himalang nangyari nang umalis ang mga Israelita sa Ehipto noong panahon ni Moises. Pinaurong ni Jehova ang tubig ng Dagat na Pula at ginawang gaya ng mga pader sa magkabilang panig ng mga Israelita para makalakad sila sa tuyong sahig ng dagat. (Exo 14:21, 22, 29) Pinrotektahan sila ni Jehova gamit ang isang haligi ng ulap, na pumupuwesto sa ibabaw at sa likuran nila. (Exo 14:19, 24) Kaya ang mga Israelita ay lumakad “sa ilalim ng ulap” at “tumawid sa dagat.”
-