Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 1 Corinto 10:20
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 20 Hindi; ang ibig kong sabihin, ang inihahandog ng mga bansa* ay inihahandog nila sa mga demonyo at hindi sa Diyos;+ at ayokong makisama kayo sa mga demonyo.+

  • 1 Corinto 10:20
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 20 Hindi; kundi sinasabi ko na ang mga bagay na inihahain ng mga bansa ay inihahain nila sa mga demonyo,+ at hindi sa Diyos; at hindi ko nais na maging mga kabahagi kayo ng mga demonyo.+

  • 1 Corinto
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 10:20

      Kaunawaan, Tomo 1, p. 606

      Ang Bantayan,

      2/15/2004, p. 5

      1/15/1993, p. 22-24

      12/1/1990, p. 5-6

      Ang Paghahanap ng Tao sa Diyos, p. 93-94

  • Mga Study Note sa 1 Corinto—Kabanata 10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 10:20

      ang inihahandog ng mga bansa ay inihahandog nila sa mga demonyo: Sa naunang talata, nilinaw ni Pablo na walang kabuluhan ang isang idolo. Pero mapanganib ang pagsamba sa idolo dahil sa isa na nasa likod nito. Lumilitaw na sinipi dito ni Pablo ang Deu 32:17, o ito ang nasa isip niya. Kahawig din nito ang sinasabi sa Aw 106:36, 37. Sinabi ni Jesus na ang nasa likod ng lahat ng pagsamba sa mga idolo ay si Satanas, “ang pinuno ng mga demonyo.” (Mat 12:24-26) Kaya kapag naghahandog ang mga bansa sa mga idolo o diyos-diyusan, mga demonyo talaga ang sinasamba nila. Bukod diyan, bilang bahagi ng seremonya, madalas na kinakain ng mga mananamba ang ilang parte ng inihandog nilang karne. Kaya para bang kasalo nila sa pagkain ang mga diyos nila, at nagkakaroon sila ng malapít na kaugnayan sa mga demonyo.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share