Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 1 Corinto 10:21
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 21 Hindi kayo puwedeng uminom sa kopa ni Jehova* at sa kopa ng mga demonyo; hindi kayo puwedeng kumain sa “mesa ni Jehova”*+ at sa mesa ng mga demonyo.

  • 1 Corinto 10:21
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 21 Hindi kayo maaaring uminom sa kopa ni Jehova+ at sa kopa ng mga demonyo; hindi kayo maaaring makibahagi sa “mesa ni Jehova”+ at sa mesa ng mga demonyo.

  • 1 Corinto
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 10:21

      Masayang Buhay Magpakailanman, aralin 24

      Ang Bantayan (Pag-aaral),

      10/2019, p. 29-30

      Kaunawaan, Tomo 1, p. 899

      Ang Bantayan,

      7/1/1994, p. 8-13

      Nangangatuwiran, p. 157

  • Mga Study Note sa 1 Corinto—Kabanata 10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 10:21

      kopa ni Jehova: Sa talata 16, binanggit ni Pablo ang tungkol sa kopa ng alak na sumasagisag sa dugo ni Kristo sa Hapunan ng Panginoon. (1Co 10:16) Tinawag niya ang kopang ito na “kopa ng pagpapala na ipinagpapasalamat natin.” Nang pasimulan ni Jesus ang hapunang ito, bumigkas siya ng pagpapala, o nanalangin siya, bago ipasa ang kopa sa mga alagad niya. (Mat 26:27, 28; Luc 22:19, 20) Kaya ang mga nagdaraos ng hapunang ito ay bumibigkas ng pagpapala, o nananalangin, bago uminom sa kopang ito. Pero si Jehova ang pinagmumulan ng lahat ng mabubuting bagay na tinatanggap ng mga Kristiyano, kasama na ang haing pantubos ni Jesus; kay Jehova iniharap ni Jesus ang handog niya; si Jehova ang nagpasiya kung paano gagamitin ang pantubos; at si Jehova ang humula at nagtatag sa bagong tipan. (Jer 31:31-34) Kaya tama lang na tawagin itong “kopa ni Jehova.”—Tingnan ang introduksiyon sa Ap. C3; 1Co 10:21a.

      kopa ng mga demonyo . . . mesa ng mga demonyo: Ang Hapunan ng Panginoon ay pinagsalo-saluhan ni Jesus at ng mga alagad niya, gaya ng haing pansalo-salo sa Israel noon na sa diwa ay pinagsasaluhan ng naghandog at ni Jehova. (Lev 3:1-16; 7:28-36; 1Co 10:16) Sa katulad na paraan, kapag kumain ang mga Kristiyano ng karneng inihandog sa idolo kasama ng mga mananamba nito, para bang kasalo rin nila ang mga demonyo. Ang isang Kristiyano ay hindi puwedeng makibahagi sa Hapunan ng Panginoon at kasabay nito, makisalo sa pagkaing inihandog sa diyos ng mga pagano.

      mesa ni Jehova: Ang ekspresyong ito ay pinaniniwalaang sinipi o kinuha sa Mal 1:7, 12, kung saan tinawag na “mesa ni Jehova” ang altar sa templo niya. Tinatawag itong “mesa” dahil ang mga handog dito ay ikinukumpara sa “pagkain [lit., “tinapay”].” (Mal 1:7; tlb.; Eze 41:22) Kapag kumakain ang mga Israelita ng bahagi ng haing pansalo-salo sa Diyos, para nilang nakakasalo ang Diyos, dahil ang altar ay kumakatawan sa Diyos.—Tingnan ang study note sa kopa ni Jehova sa talatang ito at introduksiyon sa Ap. C3; 1Co 10:21b.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share