-
1 Corinto 10:25Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
25 Kainin ninyo ang anumang ibinebenta sa pamilihan ng karne nang hindi nagtatanong dahil sa inyong konsensiya,
-
-
Mga Study Note sa 1 Corinto—Kabanata 10Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Kainin ninyo ang anumang ibinebenta sa pamilihan ng karne: Hindi lang karne at isda ang ibinebenta sa “pamilihan ng karne” (sa Griego, maʹkel·lon), kundi ibang pagkain din. Minsan, ang sobrang karne sa templo ay ibinebenta sa mga negosyante na magbebenta naman nito sa mga tindahan nila. Wala nang kaugnayan sa pagsamba ang mga karneng ito na ibinebenta sa pamilihan; gaya na lang ito ng ibang karne. Hindi dapat ituring ng mga Kristiyano na masama o kontaminado ang mga karneng galing sa templo. Puwede nilang bilhin ito basta napatulo nang maayos ang dugo nito.—Tingnan ang study note sa 1Co 8:1, 4.
-