-
1 Corinto 11:15Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
15 Pero kung babae ang may mahabang buhok, kaluwalhatian ito sa kaniya. Dahil ang buhok niya ang ibinigay sa kaniya sa halip na isang lambong.
-
-
Mga Study Note sa 1 Corinto—Kabanata 11Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
ang ibinigay sa kaniya sa halip na isang lambong: Sa Kristiyanong Griegong Kasulatan, dito lang lumitaw ang salitang Griego na isinaling “lambong” (pe·ri·boʹlai·on). Tumutukoy ito sa isang bagay na ibinabalot sa sarili, gaya ng balabal na pantakip sa ulo at balikat. Sa mga Judio at Griego noon, malalaman agad sa haba ng buhok kung ang isa ay lalaki o babae. Nang panahong iyon, ang mga aliping babae at posibleng ang ilang babaeng nahuling nangangalunya ay nagpapakalbo o nagpapagupit nang sobrang ikli. (Tingnan ang study note sa 1Co 11:5.) Ang mahabang buhok ng mga babae ay tanda ng pagpapasakop nila sa pagkaulo. (1Co 11:3) Ang mga babaeng naglalambong bilang “tanda ng awtoridad” kapag nananalangin o nanghuhula sa loob ng kongregasyong Kristiyano ay nagpapakita sa iba, pati na sa mga anghel, na kinikilala nila ang kaayusan sa pagkaulo.—1Co 11:3-16; tingnan ang study note sa 1Co 11:10.
-