-
1 Corinto 11:21Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
21 Dahil kapag kakainin na ninyo ito, may mga nauna nang kumain ng sarili nilang hapunan, kaya ang iba ay gutom, pero ang iba naman ay lasing.
-
-
1 Corinto 11:21Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
21 Sapagkat, kapag kinakain ninyo ito, ang bawat isa ay patiunang kumakain ng kaniyang sariling hapunan, anupat ang isa ay gutóm ngunit ang isa naman ay lango.
-
-
Mga Study Note sa 1 Corinto—Kabanata 11Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
ang iba ay gutom, pero ang iba naman ay lasing: Sinaway ni Pablo ang mga Kristiyano sa Corinto dahil sa halip na idaos ang sagradong okasyong ito sa disenteng paraan at nang may pagkakaisa, may ilan na nagdala ng sarili nilang hapunan para kainin bago ang okasyon o habang kasalukuyan itong idinaraos. At may ilan pa nga sa mga ito na nasobrahan sa alak at nalasing. Pero ang iba ay walang hapunan, gutom, at napapahiya dahil wala silang dalang pagkain. Ang ganoong mga Kristiyano, na lasing o hindi makapagpokus, ay wala sa kalagayang makibahagi sa Hapunan ng Panginoon o mapahalagahan ito.
-