-
1 Corinto 11:29Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
29 Dahil siya na kumakain at umiinom pero hindi nakauunawa sa katawan ay nagdadala ng hatol sa sarili niya.
-
-
Mga Study Note sa 1 Corinto—Kabanata 11Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
siya na kumakain at umiinom . . . ay nagdadala ng hatol sa sarili niya: Pinagsasalo-saluhan ang Hapunan ng Panginoon, gaya ng handog na pansalo-salo sa Israel noon. Ang isang mananamba noon ay puwedeng maghandog at pagkatapos ay kumain ng isang bahagi ng inihandog niya kasalo ang iba pa. (Tingnan sa Glosari, “Handog na pansalo-salo.”) Pero sa Kautusang Mosaiko, hindi puwedeng kumain ng ganoong sagradong pagkain ang sinumang marumi. Ang lalabag dito ay “papatayin.” (Lev 7:20, 21) Ganiyan din sa Hapunan ng Panginoon. Nabubuklod ng pananampalataya ang mga pinahirang Kristiyano na nakikibahagi sa tinapay at alak, na sumasagisag sa katawan at dugo ni Jesus, kaya para bang nagsasalo-salo rin sila. Kasalo rin nila si Jehova, ang Tagapagpasimula ng kaayusang ito. Sagrado ang Hapunan ng Panginoon, kaya pinaalalahanan ni Pablo ang mga Kristiyano na suriing mabuti ang kanilang sarili bago makibahagi dito. (1Co 11:27-29) Ang sinumang nakikibahagi dito na mapagpanggap at gumagawa pa rin ng mga gawaing marumi at di-makakasulatan ay “nagdadala ng hatol sa sarili niya” dahil winawalang-galang niya ang pantubos.—Ihambing ang Heb 10:28-31.
-