-
1 Corinto 13:11Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
11 Noong bata pa ako, nagsasalita ako, nag-iisip, at nangangatuwiran na gaya ng bata; pero ngayong malaki na ako, iniwan ko na ang mga ugali ng isang bata.
-
-
Mga Study Note sa 1 Corinto—Kabanata 13Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
bata . . . malaki na: Ginamit ni Pablo ang paglaki ng isang bata para ilarawan ang pagsulong ng kongregasyong Kristiyano. Di-gaya ng matatanda, laging kailangan ng tulong ng mga bata. Sa katulad na paraan, noong isinusulat ito ni Pablo, nakatulong sa bagong-tatag na kongregasyong Kristiyano ang makahimalang mga kaloob, gaya ng panghuhula, pagsasalita ng iba’t ibang wika, at kaalaman. May panahon na kailangan ang mga kaloob na ito para malinaw na ipakita na ang pagsang-ayon ng Diyos ay nasa kongregasyong Kristiyano na at wala na sa bansang Judio. (Heb 2:3, 4) Pero ipinapakita dito ni Pablo na susulong, o magiging maygulang din, ang kongregasyon; at sa panahong iyon, hindi na nila kakailanganin ang makahimalang mga kaloob na ito.
-