-
1 Corinto 14:8Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
8 Kung hindi malinaw ang tunog ng trumpeta, sino ang maghahanda para makipagdigma?
-
-
Mga Study Note sa 1 Corinto—Kabanata 14Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
trumpeta: Sa Kautusang Mosaiko, tinagubilinan ang mga saserdoteng Israelita na humihip ng trumpeta kapag may mahahalagang anunsiyo. (Bil 10:2-10) Halimbawa, kapag may digmaan, nagpapatunog sila ng mga trumpeta bilang panawagan. (Bil 10:9) Kapag hindi malinaw ang tunog ng trumpeta, hindi maiintindihan ng sundalo kung ano ang gagawin niya. Kaya kapag hindi rin malinaw ang mga tagubilin sa kongregasyon, puwedeng malito, magkagulo, at masiraan ng loob ang mga kapatid.
-