-
Mga Study Note sa 1 Corinto—Kabanata 14Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Nakasulat sa Kautusan: Ang siniping bahagi ay mula sa Isa 28:11, 12, kaya malawak ang kahulugan ng terminong “Kautusan” dito, at tumutukoy ito sa buong Hebreong Kasulatan.—Tingnan ang study note sa Ju 10:34; Ro 2:12.
sabi ni Jehova: Sinipi dito ni Pablo ang Isa 28:11, 12 para ipakitang makikipag-usap ang Diyos sa mga tao na may “mga wikang banyaga,” pero hindi sila makikinig. Sa hula ni Isaias, ang mababasa ay “makikipag-usap siya [ang Diyos],” pero nang sipiin ito ni Pablo, gumamit siya ng panghalip na nasa unang panauhan para ipakitang ang Diyos mismo ang nagsasalita: “Makikipag-usap ako.” Para linawin kung sino ang nagsabi nito, nagdagdag si Pablo ng ekspresyong lumitaw nang daan-daang beses sa Septuagint bilang katumbas ng mga pariralang Hebreo na “sabi ni Jehova“ at “ito ang sinabi ni Jehova.” Ang ilang halimbawa ay mababasa sa Isa 1:11; 22:25; 28:16; 30:1; 31:9; 33:10; 43:10; 48:17; 49:18 (sinipi sa Ro 14:11); 52:4, 5; Am 1:5; Mik 2:3; Na 1:12; Mal 1:2. Kaya gaya ng mga dahilang binabanggit sa Ap. C, malinaw na ipinapakita ng pagkakagamit ng ekspresyong ito sa Hebreong Kasulatan na pangalan ng Diyos ang ginamit sa talatang ito at pinalitan lang nang maglaon ng titulong Panginoon.—Tingnan ang introduksiyon sa Ap. C3; 1Co 14:21.
-