-
Mga Study Note sa 1 Corinto—Kabanata 14Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Diyos ng kapayapaan at hindi ng kaguluhan: Sinasabi dito ni Pablo na ang kabaligtaran ng kaguluhan ay kapayapaan. Inilarawan niya si Jehova bilang “Diyos ng kapayapaan” sa Fil 4:9, 1Te 5:23, at Heb 13:20 at “Diyos na nagbibigay ng kapayapaan” sa Ro 15:33 at 16:20. Ang kapayapaang mula sa Diyos ang pundasyon ng kaayusan at pagkakaisa sa loob ng kongregasyong Kristiyano. Hindi sinasabi dito ni Pablo na ang pagiging organisado ay awtomatikong magbubunga ng kapayapaan. Pero sinasabi niya na kapag isinagawa ng mga taga-Corinto ang pagsamba nila sa maayos na paraan, magiging payapa ang mga pulong nila at ‘mapapatibay nila ang isa’t isa.’ (1Co 14:26-32) Makikita sa maayos na mga pagtitipon sa pagsamba ang mga katangian ng Diyos ng kapayapaan, at makakapagbigay ang mga ito ng karangalan sa kaniya.
-