Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 1 Corinto 14:34
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 34 ang mga babae ay manatiling tahimik sa mga kongregasyon, dahil hindi sila pinapahintulutang magsalita.+ Dapat silang magpasakop,+ gaya rin ng sinasabi sa Kautusan.

  • 1 Corinto 14:34
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 34 ang mga babae ay manatiling tahimik+ sa mga kongregasyon, sapagkat hindi ipinahihintulot na magsalita sila, kundi magpasakop sila,+ gaya nga ng sinasabi ng Kautusan.+

  • 1 Corinto
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 14:34

      Kaunawaan, Tomo 1, p. 277

      Ang Bantayan,

      9/1/2012, p. 9

      3/1/2006, p. 28-29

      Nangangatuwiran, p. 48

  • Mga Study Note sa 1 Corinto—Kabanata 14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 14:34

      ang mga babae ay manatiling tahimik sa mga kongregasyon: Nagbigay ng tagubilin si Pablo na “tumahimik” ang mga nagsasalita ng ibang wika kung wala silang tagapagsalin at ang mga nanghuhula kung may isang tumanggap ng pagsisiwalat. Sa kontekstong ito, pinapayuhan naman niya ang mga babae na basta-basta na lang nagsasalita sa mga pulong ng kongregasyon. (1Co 14:28, 30, 34) Posibleng may mga babae noon na sumasabat at kumukuwestiyon sa mga lalaking nangunguna sa pagtuturo. Kaya pinayuhan sila ni Pablo na “sa bahay sila magtanong sa kanilang asawa” imbes na guluhin ang mga pulong. (1Co 14:35) Sa patnubay ng espiritu, idinidiin din dito ni Pablo ang sinasabi sa Kasulatan na ang mga lalaki ang inatasan ng Diyos na manguna sa bayan niya. (1Ti 2:12) Pero ipinakita rin ni Pablo na malaki ang pagpapahalaga niya sa mga babae bilang kapuwa niya mga ministro at mángangarál ng mabuting balita. (Ro 16:1, 2; Fil 4:2, 3) Kaya hindi niya sinasabing bawal makibahagi ang mga babae sa mga pulong.—1Co 11:5; Heb 10:23-25.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share