-
1 Corinto 14:36Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
36 Sa inyo ba nanggaling ang salita ng Diyos, o sa inyo lang ba ito nakaabot?
-
-
Mga Study Note sa 1 Corinto—Kabanata 14Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Sa inyo ba nanggaling ang salita ng Diyos . . . ?: Sinabi ito ni Pablo para ipaalala sa mga taga-Corinto na hindi sila ang unang kongregasyong nabuo at hindi lang sa kanila inihayag “ang salita ng Diyos.” Bahagi sila ng malaking samahan ng mga mánanampalatayá. Kaya sa halip na baguhin ang kaayusan sa kongregasyon, dapat silang sumunod sa mga tagubilin ng mga apostol. Kapag ginawa nila iyon, mananatiling maayos, nagkakaisa, at masulong ang kongregasyon.
-