-
1 Corinto 14:37Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
37 Kung may nag-iisip na propeta siya o na may kaloob siya ng espiritu, dapat niyang kilalanin na ang mga isinusulat ko sa inyo ay utos ng Panginoon.
-
-
Mga Study Note sa 1 Corinto—Kabanata 14Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
may kaloob siya ng espiritu: Lahat ng Kristiyano ay puwedeng humiling at tumanggap ng patnubay at tulong ng banal na espiritu. (Luc 11:13) At ang mga Kristiyanong may makalangit na pagtawag ay pinahiran ng banal na espiritu. (2Co 1:21, 22) Pero dito, ang ekspresyong ito ay tumutukoy sa isa na tumanggap ng espesyal at makahimalang kaloob ng banal na espiritu. Ang ekspresyong ito ay salin ng salitang Griego na pneu·ma·ti·kosʹ, na pangunahin nang nangangahulugang “may kaugnayan sa espiritu; espirituwal.” Sa 1Co 14:1, isinalin itong “espirituwal na mga kaloob.” Bago matapos ang pagtalakay ni Pablo tungkol sa makahimalang mga kaloob, pareho niyang binanggit dito sa 1Co 14:37 ang panghuhula at ang pagkakaroon ng “kaloob . . . ng espiritu,” na nagpapakitang makahimalang mga kaloob ng banal na espiritu ang tinutukoy niya, gaya sa talata 1.
-