-
Mga Study Note sa 1 Corinto—Kabanata 14Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
maayos: O “ayon sa kaayusan.” Lit., “ayon sa pagkakasunod-sunod.” Dito, pinapayuhan ni Pablo ang mga Kristiyano na idaos nang maayos ang mga pulong para sa pagsamba. (1Co 14:26-33) Ang salitang Griego na ginamit dito ay isinaling “atas” sa Luc 1:8, kung saan inilarawan ang mga kaayusan sa paglilingkod sa templo. Ginamit din ito ng Septuagint sa Bil 1:52 para ilarawan kung gaano kaorganisado ang kampo ng Israel.
-