-
1 Corinto 15:2Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
2 Kung nanghahawakan kayo nang mahigpit sa mabuting balita na inihayag ko sa inyo, naililigtas kayo. Kung hindi, walang saysay ang pagiging mananampalataya ninyo.
-
-
Mga Study Note sa 1 Corinto—Kabanata 15Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Kung nanghahawakan kayo nang mahigpit sa mabuting balita: Sa Corinto, may mga nagdududa sa pagkabuhay-muli, na isa sa “unang mga doktrina” ng Kristiyanismo. (Heb 6:1, 2) May mga nagsasabi na “walang pagkabuhay-muli.” (1Co 15:12) Binanggit ni Pablo na may mga nangangatuwiran: “Kumain tayo at uminom, dahil bukas ay mamamatay tayo.” (1Co 15:32) Posibleng sinisipi niya ang Isa 22:13, pero kitang-kita rin sa pananalitang iyan ang impluwensiya ng mga Griegong pilosopo gaya ni Epicurus, na hindi naniniwala sa pagkabuhay-muli. (Gaw 17:32; tingnan ang study note sa 1Co 15:32.) Puwede ring may mga Judiong miyembro ng kongregasyon na naimpluwensiyahan ng mga Saduceo, na nagsasabing walang pagkabuhay-muli. (Mar 12:18) At posibleng may mga naniniwala na espirituwal lang ang pagkabuhay-muli at naranasan na iyon ng mga Kristiyanong nabubuhay noong panahong iyon. (2Ti 2:16-18) Kung hindi ‘manghahawakan nang mahigpit sa mabuting balita’ ang mga taga-Corinto, magiging walang saysay ang pagiging mánanampalatayá nila—hindi nila makakamit ang pag-asa nila.—Tingnan ang study note sa 1Co 15:12.
-