-
1 Corinto 15:19Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
19 Kung sa buhay lang na ito tayo umaasa kay Kristo, pinakakaawa-awa tayo sa lahat ng tao.
-
-
Mga Study Note sa 1 Corinto—Kabanata 15Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
pinakakaawa-awa tayo sa lahat ng tao: Si apostol Pablo at ang iba pang mga Kristiyano ay nawalan ng mga pag-aari, pinag-usig, nagdusa, at nanganib pa nga ang buhay dahil naniniwala sila sa pagkabuhay-muli. Kaya kung di-totoo ang pagkabuhay-muli, talagang pinakakaawa-awa sa lahat ng tao ang mga Kristiyano. Ito ang pinakahuli sa listahan ng negatibong mga bagay na binanggit ni Pablo na magiging totoo kung hindi binuhay-muli si Kristo. (1Co 15:13-19) Pero maliwanag na hindi siya naniniwalang posible ang mga bagay na ito, dahil sinabi niya sa talata 20: “Binuhay-muli si Kristo.”
-