Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 1 Corinto 15:28
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 28 Kapag napasailalim na niya ang lahat ng bagay, ang Anak ay magpapasailalim din sa Isa na nagbigay sa kaniya ng awtoridad sa lahat ng bagay,+ para ang Diyos ang maging nag-iisang Tagapamahala ng lahat.*+

  • 1 Corinto 15:28
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 28 Ngunit kapag ang lahat ng bagay ay naipasakop na sa kaniya,+ kung magkagayon ay magpapasakop din mismo ang Anak sa Isa+ na nagpasakop ng lahat ng bagay sa kaniya, upang ang Diyos ay maging lahat ng bagay sa bawat isa.+

  • 1 Corinto
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 15:28

      Workbook sa Buhay at Ministeryo,

      4/2019, p. 6

      Kaunawaan, Tomo 1, p. 1407

      Kaunawaan, Tomo 1, p. 1338-1339

      Dalisay na Pagsamba, p. 229

      Ang Bantayan,

      9/15/2014, p. 27

      9/15/2012, p. 11-12

      12/1/2007, p. 30

      7/1/1998, p. 22

      6/1/1994, p. 30-31

  • Mga Study Note sa 1 Corinto—Kabanata 15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 15:28

      ang Anak ay magpapasailalim din: Mapagpakumbabang ibabalik ng Anak, si Kristo Jesus, sa kaniyang Ama ang pamamahala, at magpapasailalim siya sa soberanya ni Jehova. Sa paggawa nito, maipapakita ni Jesus ang pinakamalaking kapahayagan ng pagsuporta sa karapatang mamahala ng kaniyang Ama. Maipapakita rin ni Kristo na sa pagtatapos ng matagumpay na pamamahala niya nang 1,000 taon, mapagpakumbaba pa rin siya gaya noong nabubuhay siya dito sa lupa bilang tao.—Fil 2:5-11; Heb 13:8.

      para ang Diyos ang maging nag-iisang Tagapamahala ng lahat: O “para ang Diyos ay maging lahat ng bagay sa bawat isa.” Kapag ibinalik na ni Kristo ang buong pamamahala sa kaniyang Ama, direkta na muling pamamahalaan ni Jehova ang lahat ng nilalang niya. Hindi na kakailanganin ng perpektong mga tao ang Mesiyanikong Kaharian, ang gobyernong itinatag ng Diyos para ayusin ang lahat ng pinsalang idinulot ng rebelyon sa Eden. Hindi na rin kakailanganin ang pantubos, tagapamagitan, o mga saserdote. Bilang mga anak ni Jehova, magiging lubusang malaya ang mga tao at direkta na nilang makakausap ang Ama. (Ro 8:21) Ang tinatalakay dito ni Pablo ay tumutukoy sa panahon kung kailan ibinigay na ni Jesus “ang Kaharian sa kaniyang Diyos at Ama, kapag inalis na niya ang lahat ng pamahalaan at lahat ng awtoridad at kapangyarihan.”—1Co 15:24.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share