-
1 Corinto 15:34Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
34 Bumalik kayo sa katinuan at gawin ang tama, at huwag kayong mamihasa sa kasalanan, dahil ang ilan ay walang kaalaman sa Diyos. Sinasabi ko ito para makadama kayo ng kahihiyan.
-
-
Mga Study Note sa 1 Corinto—Kabanata 15Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Bumalik kayo sa katinuan: Gumamit si Pablo rito ng salitang Griego na literal na nangangahulugang “mahimasmasan.” Dahil nakinig ang ilang Kristiyano sa Corinto sa mga turo ng apostata, gaya ng paniniwalang hindi totoo ang pagkabuhay-muli, para silang naging lasing—nalilito at pasuray-suray. Hinimok sila ni Pablo na gumising at magkaroon ng malinaw na pagkaunawa sa turo ng pagkabuhay-muli para hindi sila malito. Kailangan nila itong gawin bago pa masira ang kaugnayan nila sa Diyos na Jehova at mapuksa pa nga.—1Co 11:30.
-