-
1 Corinto 15:36Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
36 Ikaw na di-makatuwiran! Ang inihahasik mo ay hindi mabubuhay kung hindi muna ito mamamatay.
-
-
Mga Study Note sa 1 Corinto—Kabanata 15Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
kung hindi muna ito mamamatay: Nang talakayin ni Pablo ang tungkol sa pagbuhay-muli sa isang pinahirang Kristiyano bilang espiritu, inihalintulad niya sa pagtatanim ng binhi ang paglilibing sa pisikal na katawan nito. Masasabing namamatay ang isang binhi kapag itinanim ito dahil nawawala na ang orihinal na anyo nito. Magiging halaman ito, na ibang-iba ang hitsura sa binhi. (Ihambing ang Ju 12:24.) Sa katulad na paraan, ang isang Kristiyano na pinili ng Diyos na maging kasamang tagapagmana ng Kaniyang Anak at tumanggap ng kawalang-kasiraan at imortalidad sa langit ay kailangan munang mamatay. Sa 1Co 15:42-44, apat na beses ginamit ni Pablo ang ilustrasyon tungkol sa paghahasik ng binhi. Ipinaliwanag niya kung paano napapalitan ng espiritung katawan ang pisikal na katawan ng isang pinahirang Kristiyano kapag binuhay itong muli.—Tingnan ang study note sa 1Co 15:38.
-