-
1 Corinto 15:38Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
38 pero binibigyan ito ng Diyos ng katawan ayon sa kalooban niya, at ang bawat binhi ay binibigyan niya ng sarili nitong katawan.
-
-
Mga Study Note sa 1 Corinto—Kabanata 15Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
binibigyan ito ng Diyos ng katawan: Ipinagpatuloy dito ni Pablo ang ilustrasyon tungkol sa pagtubo ng binhi bilang paglalarawan sa pagbuhay-muli sa mga pinahirang Kristiyano. (Tingnan ang study note sa 1Co 15:36.) Ginamit niyang halimbawa ang maliit na binhi ng trigo na malayong-malayo ang hitsura sa halamang uusbong mula rito. ‘Namamatay’ ang binhi at nagiging halaman. (1Co 15:36, 37) Sa katulad na paraan, mamamatay din muna bilang tao ang mga pinahirang Kristiyano. At sa itinakdang panahon ng Diyos, bubuhayin niya silang muli at bibigyan ng isang bagong katawan na ibang-iba sa dati. (2Co 5:1, 2; Fil 3:20, 21) Magkakaroon sila ng espiritung katawan na puwedeng mabuhay sa langit.—1Co 15:44; 1Ju 3:2.
-