-
1 Corinto 15:44Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
44 Pisikal na katawan ito nang ihasik pero espiritung katawan kapag ibinangon. Kung may pisikal na katawan, mayroon ding espiritung katawan.
-
-
Mga Study Note sa 1 Corinto—Kabanata 15Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
pisikal: Ang terminong Griego na ginamit dito, psy·khi·kosʹ, ay galing sa salitang psy·kheʹ, na isinasalin kung minsan na “kaluluwa.” Ginamit ito para ipakita ang pagkakaiba ng katawan ng mga nilalang sa lupa at ng espiritung katawan; tumutukoy ito sa anumang pisikal, nahahawakan, nakikita, at mortal.—Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”
-