-
1 Corinto 16:2Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
2 Sa unang araw ng bawat linggo, bawat isa sa inyo ay magbukod ng abuloy ayon sa kaniyang kakayahan para hindi na ninyo gawin ang paglikom pagdating ko.
-
-
1 Corinto 16:2Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
2 Sa bawat unang araw ng sanlinggo ay magbukod ang bawat isa sa inyo sa kaniyang sariling bahay ng anumang maiipon ayon sa kaniyang kasaganaan, upang pagdating ko ay hindi gagawin sa pagkakataong iyon ang paglikom.
-
-
1 CorintoTulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
-
Mga Study Note sa 1 Corinto—Kabanata 16Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
unang araw ng bawat linggo: Posibleng ang tinutukoy dito ni Pablo ay ang araw pagkatapos ng Sabbath ng mga Judio. Kaya inirerekomenda niya sa bawat Kristiyano sa Corinto na sa unang araw ng linggo, magbukod na sila ng abuloy para sa mga nangangailangan. Ang abuloy ng bawat Kristiyano ay hindi niya ipapaalám sa iba at ayon lang sa kakayahan niya. (1Co 16:1) Hindi itinatakda dito ni Pablo ang araw ng Linggo bilang bagong araw ng Sabbath para sa mga Kristiyano, gaya ng sinasabi ng ilan.—Col 2:16, 17.
-