-
Mga Study Note sa 1 Corinto—Kabanata 16Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
isang malaking pinto na umaakay sa gawain: Isa ito sa tatlong pagkakataon na ginamit ni Pablo sa makasagisag na diwa ang terminong Griego para sa “pinto.” (2Co 2:12; Col 4:3; tingnan ang study note sa Gaw 14:27.) Malaking tulong ang mga ginawa ni Pablo sa Efeso para lumaganap ang mabuting balita sa buong rehiyon. Ang isang magandang resulta ng pananatili niya nang mga tatlong taon sa Efeso (mga 52-55 C.E.) ay ang paglaganap ng mabuting balita ng Kaharian sa Romanong lalawigan ng Asia. (Gaw 19:10, 26; tingnan sa Glosari, “Asia.”) Umabot pa nga ang mabuting balita sa mga lunsod ng Colosas, Laodicea, at Hierapolis, kahit lumilitaw na hindi naman nakapunta si Pablo sa mga lugar na iyon. Posibleng isinugo niya si Epafras para simulan ang gawaing pangangaral doon. (Col 4:12, 13) Lumilitaw na nakaabot din ang mabuting balita sa mga lunsod ng Filadelfia, Tiatira, at Sardis sa panahong ito ng malawakang pangangaral.
-