-
Mga Study Note sa 2 Corinto—Kabanata 1Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
para magkaroon kayo ng ikalawang dahilan para magsaya: Nagpunta si Pablo sa Corinto sa unang pagkakataon noong 50 C.E., sa ikalawang paglalakbay niya bilang misyonero. Nagtatag siya ng kongregasyon doon at nanatili nang isa at kalahating taon. (Gaw 18:9-11) Gusto niya sanang bumisita ulit sa Corinto noong nasa Efeso siya sa ikatlong paglalakbay niya bilang misyonero. Pero hindi iyon natuloy. (1Co 16:5; 2Co 1:16, 23) Posibleng ang naudlot na ikalawang pagdalaw na iyon ang tinutukoy niyang “ikalawang dahilan para magsaya.” O posibleng ang tinutukoy ni Pablo ay ang plano niyang bumisita nang dalawang beses doon, gaya ng sinabi niya sa sumunod na talata.—Tingnan ang study note sa 2Co 1:16.
magsaya: Maraming manuskritong Griego ang gumamit dito ng salitang khaʹris, na nangangahulugang “walang-kapantay na kabaitan; pabor; pakinabang,” sa halip na kha·raʹ, ang salitang Griego para sa “saya.” Kaya ang dulong bahagi ng teksto ay posible ring nangangahulugang “para dalawang beses kayong makinabang.” At ganiyan ang mababasa sa maraming salin ng Bibliya sa Ingles.
-