-
Mga Study Note sa 2 Corinto—Kabanata 1Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
gusto ko sanang dalawin kayo noong papunta ako sa Macedonia: Noong 55 C.E., habang nasa Efeso si Pablo sa ikatlong paglalakbay niya bilang misyonero, binalak niyang tumawid sa Dagat Aegeano papuntang Corinto at mula doon ay magpunta sa Macedonia. Pagkatapos, nang pabalik na siya sa Jerusalem, inisip niyang dumaan ulit sa kongregasyon sa Corinto, lumilitaw na para kunin ang abuloy para sa mga kapatid sa Jerusalem, na nabanggit niya sa una niyang liham. (1Co 16:3) Pero kahit iyan ang gustong gawin ni Pablo, may makatuwiran siyang mga dahilan para baguhin ang plano niya.—Tingnan ang study note sa 2Co 1:17.
-