Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 2 Corinto 1:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 Noong pinlano kong gawin iyon, hindi ko iyon itinuring na maliit na bagay lang. At hindi ako nagplano ayon sa kaisipan ng tao, na kahit sinabi kong “Oo, oo” ay “Hindi, hindi” naman pala.

  • 2 Corinto 1:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 Buweno, noong may binabalak akong gayon, hindi ko iyon itinuring na isang bagay na magaan,+ hindi ba? O ang mga bagay na nilalayon ko, nilalayon ko ba ang mga iyon ayon sa laman,+ upang sa akin ay maging “Oo, Oo” at “Hindi, Hindi”?+

  • 2 Corinto
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 1:17

      Ang Bantayan,

      3/15/2014, p. 31

  • Mga Study Note sa 2 Corinto—Kabanata 1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 1:17

      hindi ko iyon itinuring na maliit na bagay lang: Lumilitaw na sa liham na isinulat ni Pablo bago ang 1 Corinto (tingnan ang study note sa 1Co 5:9), sinabi niya sa mga Kristiyano sa Corinto ang plano niya na dumaan doon bago siya pumunta sa Macedonia. Pero sa sumunod na liham niya, ang 1 Corinto, sinabi niya na nagbago ang plano niya at dadalawin na lang niya sila pagkagaling niya sa Macedonia. (1Co 16:5, 6) Lumilitaw na may ilan sa kongregasyong iyon, posibleng ang “ubod-galing na mga apostol” (2Co 11:5), na nagsasabing hindi siya tumutupad sa pangako. Kaya ipinagtanggol ni Pablo ang sarili niya at sinabing “hindi [niya] iyon itinuring na maliit na bagay lang.” Ang ekspresyong Griego na isinaling “maliit na bagay lang” ay puwedeng tumukoy sa pagpapabago-bago ng isip. Tumutukoy ito sa isang tao na hindi maaasahan at basta na lang nagbabago ng isip. Hindi ganiyan si Pablo at hindi siya nagplano ayon sa kaisipan ng tao, ibig sabihin, hindi makasarili ang motibo niya at hindi siya dumepende sa di-perpektong pangangatuwiran ng tao. May makatuwirang dahilan kaya ipinagpaliban niya ang pagdalaw niya. Sa 2Co 1:23, sinabi niyang hindi muna siya pumunta dahil ayaw niyang “mas mapalungkot” pa sila. Gusto niya silang bigyan ng sapat na panahong sundin ang mga isinulat niyang payo para maging mas nakakapagpatibay ang susunod niyang pagdalaw.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share