Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 2 Corinto 3:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 Malinaw na kayo ay isang liham ni Kristo na isinulat namin bilang mga lingkod,+ na isinulat hindi gamit ang tinta kundi sa pamamagitan ng espiritu ng Diyos na buháy, at hindi sa mga tapyas ng bato,+ kundi sa mga tapyas ng laman, sa mga puso.+

  • 2 Corinto 3:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 Sapagkat nahahayag kayo bilang isang liham ni Kristo na isinulat namin bilang mga ministro,+ isinulat hindi sa pamamagitan ng tinta kundi sa pamamagitan ng espiritu+ ng isang Diyos na buháy, hindi sa mga tapyas na bato,+ kundi sa mga tapyas na laman, sa mga puso.+

  • 2 Corinto
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 3:3

      Ang Bantayan,

      7/15/1990, p. 13-14

      6/15/1988, p. 30

  • Mga Study Note sa 2 Corinto—Kabanata 3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 3:3

      liham ni Kristo na isinulat namin bilang mga lingkod: Si Pablo ay isang ‘piniling sisidlan’ ni Jesu-Kristo “para dalhin ang pangalan [ni Kristo] sa [di-Judiong] mga bansa” (Gaw 9:15; tlb.), at ginamit niya si Pablo bilang lingkod niya para isulat ang liham ng rekomendasyon na ito. Tuwing Sabbath, parehong pinangangaralan ni Pablo ang mga Judio at Griego sa Corinto. (Gaw 18:4-11) Hindi kayang sumulat ni Pablo ng ganitong liham sa sarili niyang kakayahan, dahil sinabi ni Jesus sa mga alagad niya: “Kung nakahiwalay kayo sa akin, wala kayong magagawang anuman.”—Ju 15:5.

      sa mga tapyas ng laman, sa mga puso: O “sa mga tapyas ng puso ng tao.” Ang Kautusan ni Moises ay nakasulat sa mga tapyas ng bato. (Exo 31:18; 34:1) Sa kontekstong ito, ipinakita ang pagkakaiba ng tipang Kautusan at ng bagong tipan na binanggit sa hula ni Jeremias, kung saan ipinangako ni Jehova: “Ilalagay ko sa loob nila ang kautusan ko, at isusulat ko iyon sa puso nila.” (Jer 31:31-33) Sa hula ni Ezekiel tungkol sa paglaya ng bayan ng Diyos mula sa Babilonya, inilarawan kung paano aalisin ni Jehova sa kanila ang “pusong bato,” o matigas na puso, at papalitan ng “pusong laman,” isang puso na malambot, nagpapahubog, masunurin, at nagpapagabay sa Diyos.—Eze 11:19; 36:26.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share