Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 2 Corinto 3:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 9 Dahil kung maluwalhati+ ang Kautusan na nagpapataw ng hatol na kamatayan,+ di-hamak na mas maluwalhati ang paglalapat ng katuwiran!+

  • 2 Corinto 3:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 9 Sapagkat kung ang kodigo na naggagawad ng hatol+ ay maluwalhati,+ lalong higit na ang paggagawad ng katuwiran+ ay nananagana sa kaluwalhatian.+

  • Mga Study Note sa 2 Corinto—Kabanata 3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 3:9

      ang Kautusan na nagpapataw ng hatol na kamatayan: Dito, binanggit ulit ni Pablo ang Kautusang Mosaiko na “nagpapataw ng hatol na kamatayan.” (2Co 3:6; tingnan ang study note sa 2Co 3:7.) Pero inilarawan niya ang bagong tipan na naglalapat ng katuwiran. Mas maningning ang espirituwal na kaluwalhatian ng pinahirang mga Kristiyano na bahagi ng bagong tipan kung ikukumpara sa literal na kaluwalhatiang nakita ng mga Israelita nang ibigay ang Kautusang Mosaiko. Nagniningning sila kapag ipinaaaninag nila ang mga katangian ng Diyos. Dahil sa bagong tipan, naging posibleng “mapatawad ang mga kasalanan”; nagkaroon din ng “mga saserdoteng maglilingkod bilang mga hari” na magdadala ng pagpapala sa lahat ng tao. Kaya mas maraming pakinabang sa tipang ito kaysa sa tipang Kautusan, na hindi makakapagbigay ng matuwid na katayuan sa mga tao.—Mat 26:28; Gaw 5:31; 1Pe 2:9.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share