-
Mga Study Note sa 2 Corinto—Kabanata 4Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
isip: O “kakayahang mag-isip.” Ang salitang Griego na noʹe·ma ay isinaling “isip [o, “kakayahang mag-isip”]” sa 2Co 3:14; Fil 4:7; tlb., “kaisipan” sa 2Co 10:5, at “pag-iisip” sa 2Co 11:3.—Tingnan ang study note sa 2Co 2:11.
diyos ng sistemang ito: Si Satanas ang “diyos” na tinutukoy dito, dahil gaya ng makikita sa teksto, ‘binulag niya ang isip ng mga di-sumasampalataya.’ Tinawag ni Jesus si Satanas na “tagapamahala ng mundong ito” at sinabi na “palalayasin” siya. (Ju 12:31) Ang sinabi ni Jesus at ang tawag kay Satanas na “diyos ng sistemang ito [o, “ng panahong ito”]” ay nagpapakitang pansamantala lang ang posisyon niya.—Ihambing ang Apo 12:12.
sistemang ito: Ang pangunahing kahulugan ng salitang Griego na ai·onʹ ay “panahon.” Puwede itong tumukoy sa kalakaran o sa mga pagkakakilanlan ng isang espesipikong yugto ng panahon. (Tingnan sa Glosari, “Sistema.”) Dahil ang “sistemang ito” ay nasa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas, siya ang humuhubog dito at galing sa kaniya ang mga katangiang nakikita dito.—Efe 2:1, 2.
maluwalhating mabuting balita tungkol sa Kristo: Puwede talagang sabihin na ‘maluwalhati’ ang mabuting balita dahil sa nilalaman nito. Kasama sa mensaheng ito ang unti-unting pagsisiwalat sa sagradong lihim ng Diyos tungkol kay Kristo (Col 1:27), sa papel ng kasama niyang mga tagapamahala sa Kaharian (1Te 2:12; Apo 1:6), at sa napakagandang kinabukasang ipinangako ng Diyos sa lahat ng tao (Apo 21:3, 4). Puwede ring isalin ang pariralang Griegong ito na “mabuting balita tungkol sa kaluwalhatian ng Kristo.”
-