Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 2 Corinto 7:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 5 Ang totoo, nang dumating kami sa Macedonia,+ hindi kami naginhawahan* kundi patuloy kaming nahirapan sa bawat paraan—may mga pagsalakay ng mga kaaway mula sa labas at may takot sa puso namin.

  • 2 Corinto 7:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 5 Sa katunayan, nang dumating kami sa Macedonia,+ ang aming laman ay hindi nagtamo ng ginhawa,+ kundi patuloy kaming napipighati+ sa bawat paraan—may mga labanan sa labas, mga takot sa loob.

  • 2 Corinto
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 7:5

      Ang Bantayan,

      6/15/2014, p. 23

      11/15/1998, p. 30

      11/1/1996, p. 11-12

      7/15/1992, p. 19

  • Mga Study Note sa 2 Corinto—Kabanata 7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 7:5

      hindi kami naginhawahan: Lit., “hindi naginhawahan ang laman namin.” Ang salitang Griego na sarx ay tumutukoy dito sa pisikal na katawan.

      patuloy kaming nahirapan: Habang nasa Efeso si Pablo, isinulat niya ang una niyang liham sa mga taga-Corinto at isinugo si Tito para tumulong sa kongregasyon. Pagkatapos, naghintay si Pablo kay Tito para malaman ang naging reaksiyon ng mga taga-Corinto sa payo niya, pero hindi sila agad nagkita. Sa 2Co 2:12, 13, sinabi ni Pablo na ‘hindi siya napanatag dahil hindi niya nakita ang kapatid niyang si Tito.’ (Tingnan ang study note sa 2Co 2:13.) Dito sa 2Co 7:5, sinabi niya na pagkarating niya sa Macedonia, lalo pa siyang nahirapan dahil sa matinding pag-uusig sa kaniya sa ministeryo. May mga pagsalakay ng mga kaaway mula sa labas, ang matinding pag-uusig na nagsapanganib sa buhay niya. (2Co 1:8) Mayroon ding takot sa puso niya dahil nag-aalala siya sa mga kongregasyon gaya ng Corinto. Nang dumating na si Tito dala ang magandang ulat tungkol sa reaksiyon ng mga taga-Corinto sa liham ni Pablo, napanatag si Pablo at ang mga kasama niya.—2Co 7:6.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share